Friday, August 29, 2014

In a Cemetery~ Week Nine

Holy Cross Manila Memorial Park

A caretaker doing his job

found a flower while on a walk

even in a cemetery, the sky never fails to make me smile

so quiet and peaceful that only one car per minute passes by

time to go home

Friday, August 22, 2014

Sample Sequence

1. INT. TAXI. DAY

     Makikitang nakaupo si Jamie sa taxi na mukhang balisa. Maririnig namang pinagmamadali niya ang taxi driver dahil pinagmamadali na siya ng kanyang ina.

     Habang pinagmamadali ni Jamie ang driver ay tahimik lamang ito hanggang sa may muntikan na itong mabangga na siyang magpapaalog sa ulo ni Jamie dulot ng biglaang paghinto.

     Maririnig ang pagpapalitan ng mga pasaring ng taxi driver at ng muntikan na niyang mabangga.

Thursday, August 21, 2014

Cuttlefish Ink~ Week Eight

I miss her, our guiding light at home

even if you keep on looking far,
your problems will still haunt you

the rain is full of sadness

I wonder where am I good at?

walkin', alone

you can be serious if you want to

Friday, August 15, 2014

Inanimate Things, Objects~ Week Seven

I want a badminton one though I like this one also

when I realized all of my friend's things are pink!

my name in Hangul written in a wooden fan

sometimes, we have to read things differently

what a lonely little pole

a piece of reviewer and a pen

Friday, August 8, 2014

Everyday Journey~ Week Six

First thing you'll see is a road under construction

LRT Line 1 Balintawak Station

The bridge connecting LRT Line 1 D. Jose station
 to LRT Line 2 Recto station

View from LRT Line 2 Recto Station

Same route going home

Doroteo Jose station at night

Friday, August 1, 2014

When boredom strikes~ Week Five

I love spazzing on kpop 'cause I'm a kpop fan, and I'm proud of it!

music is my best company when I'm bored

   
                     
                            together with music, food is the 2nd

Sometimes, I stare at the sky and think


I seldom play with our cat


and do my assignments.. wait, what? Wow!

[SEATWORK- Car Crash] Ang Birthday ni Irene

       “IMAGINE TWO CARS COLLIDE AT A JUNCTION. IT IS UP TO YOU TO DECIDE HOW BAD THE ACCIDENT IS, WHO’S IN THE CARS AND WHAT HAPPENS TO THEM.
       BUT FIRST YOU MUST EXPLAIN WHO THE PEOPLE ARE AND HOW THE CARS CAME TO BE IN THE SAME TIME. THEN DECIDE WHETHER THE INCIDENT MARKS THE BEGINNING OF YOUR STORY OR CHARACTERIZES THE END.”

Ang Birthday ni Irene

Isang araw sa bahay ng mga Ricedo, nadatnan ni Irene ang kanyang mga magulang na nag-aaway dahil sa nambabae raw ang kanyang ama. Hindi niya ito pinansin dahil para sa kanya ay normal na ang mga pangyayaring tulad nito na sa tuwing uuwi siya mula sa paaralan ay ganito ang nadadatnan niya. Dumiretso sa kanyang kwarto si Irene at natulog na lamang.

Kinaumagahan ay nagtaka si Irene dahil wala siyang naririnig na tunog sa kusina. Karaniwan ay makikita niya ang kanyang ina na nasa kusina at nagluluto ng kanilang agahan tuwing umaga. Ngunit sa pagkakataong iyon, wala ang kanyang ina. Tinignan niya ang kwarto kung saan natutulog ang kanyang ama't ina at nadatnang natutulog nang mag-isa ang kanyang ama. Napansin ni Irene na wala ang mga gamit ng kanyang ina kaya't dali dali niyang ginising ang kanyang ama. Nagulat si Irene nang makita niyang umiiyak ang kanyang ama, kanina pa pala ito gising. Tinanong niya ito kung ano'ng nangyari ngunit patuloy lamang ito sa pag-iyak.

            Makalipas ang isang taon, kaarawan na ni Irene. Tinitignan niya ang litrato ng kanyang pamilya na tinago ng kanyang ama. Nalulungkot siya dahil sa tuwing kaarawan niya ay lalabas silang tatlo para ipagdiwang ang kaarawan nito. Naisip niyang kausapin ang kanyang ama na makipag-ayos na sa kanyang ina bilang regalo na rin sa kanya. Sa una ay ayaw pumayag nito ngunit kinalaunan ay pumayag rin dahil sa pagpupumilit ni Irene. Lingid sa kaalaman ng kanyang ama ay may komunikasyon pa rin si Irene at ng kanyang ina at alam ni Irene kung saan tumutuloy ang kanyang ina. Ibinigay ni Irene ang address kung saan tumutuloy ang kanyang ina. Hindi na pinasama pa ng kanyang ama si Irene at sinabing maghintay na lang siya dito.
            Nasa kalagitnaan ng kanyang pagmamaneho ang ama ni Irene ngunit dahil sa kabado ito at malalim ang iniisip ay hindi nito napansin na kulay pula pala ang “stop light”. Nakabangga nito ang isang kotse na minamaneho ng isang babae. Sandaling nawalan ng malay ang ama ni Irene ngunit naglaon ay nagising din. Naaninag niya ang mukha ng babaeng nagmamaneho ng nakabangga niyang kotse. Pamiyar ang mukhang ito sa kanya. Agad siyang bumaba upang tignan ang kalagayan ng babae. Habang papalapit siya ay unti-unting tumulo ang luha sa kanyang mga mata. Patuloy ang kanyang pagluha nang biglang tumunog ang kanyang “cellphone”, tumatawag si Irene. “Hello pa? Kamusta na? Nagkaayos na po ba kayo ni mama? Birthday ko ngayon ah! Hindi ba tayo lalabas?” ang sabi ni Irene.