“IMAGINE TWO CARS COLLIDE AT A JUNCTION. IT IS UP TO YOU TO DECIDE HOW BAD THE ACCIDENT IS, WHO’S IN THE CARS AND WHAT HAPPENS TO THEM.
BUT FIRST YOU MUST EXPLAIN WHO THE PEOPLE ARE AND HOW THE CARS CAME TO BE IN THE SAME TIME. THEN DECIDE WHETHER THE INCIDENT MARKS THE BEGINNING OF YOUR STORY OR CHARACTERIZES THE END.”
Ang
Birthday ni Irene
Isang
araw sa bahay ng mga Ricedo, nadatnan ni Irene ang kanyang mga magulang na
nag-aaway dahil sa nambabae raw ang kanyang ama. Hindi niya ito pinansin dahil
para sa kanya ay normal na ang mga pangyayaring tulad nito na sa tuwing uuwi
siya mula sa paaralan ay ganito ang nadadatnan niya. Dumiretso sa kanyang
kwarto si Irene at natulog na lamang.
Kinaumagahan
ay nagtaka si Irene dahil wala siyang naririnig na tunog sa kusina. Karaniwan
ay makikita niya ang kanyang ina na nasa kusina at nagluluto ng kanilang agahan
tuwing umaga. Ngunit sa pagkakataong iyon, wala ang kanyang ina. Tinignan niya
ang kwarto kung saan natutulog ang kanyang ama't ina at nadatnang natutulog
nang mag-isa ang kanyang ama. Napansin ni Irene na wala ang mga gamit ng
kanyang ina kaya't dali dali niyang ginising ang kanyang ama. Nagulat si Irene
nang makita niyang umiiyak ang kanyang ama, kanina pa pala ito gising. Tinanong
niya ito kung ano'ng nangyari ngunit patuloy lamang ito sa pag-iyak.
Makalipas ang isang taon, kaarawan
na ni Irene. Tinitignan niya ang litrato ng kanyang pamilya na tinago ng
kanyang ama. Nalulungkot siya dahil sa tuwing kaarawan niya ay lalabas silang
tatlo para ipagdiwang ang kaarawan nito. Naisip niyang kausapin ang kanyang ama
na makipag-ayos na sa kanyang ina bilang regalo na rin sa kanya. Sa una ay ayaw
pumayag nito ngunit kinalaunan ay pumayag rin dahil sa pagpupumilit ni Irene.
Lingid sa kaalaman ng kanyang ama ay may komunikasyon pa rin si Irene at ng
kanyang ina at alam ni Irene kung saan tumutuloy ang kanyang ina. Ibinigay ni
Irene ang address kung saan tumutuloy ang kanyang ina. Hindi na pinasama pa ng
kanyang ama si Irene at sinabing maghintay na lang siya dito.
Nasa kalagitnaan ng kanyang
pagmamaneho ang ama ni Irene ngunit dahil sa kabado ito at malalim ang iniisip
ay hindi nito napansin na kulay pula pala ang “stop light”. Nakabangga nito ang
isang kotse na minamaneho ng isang babae. Sandaling nawalan ng malay ang ama ni
Irene ngunit naglaon ay nagising din. Naaninag niya ang mukha ng babaeng
nagmamaneho ng nakabangga niyang kotse. Pamiyar ang mukhang ito sa kanya. Agad
siyang bumaba upang tignan ang kalagayan ng babae. Habang papalapit siya ay
unti-unting tumulo ang luha sa kanyang mga mata. Patuloy ang kanyang pagluha
nang biglang tumunog ang kanyang “cellphone”, tumatawag si Irene. “Hello pa?
Kamusta na? Nagkaayos na po ba kayo ni mama? Birthday ko ngayon ah! Hindi ba
tayo lalabas?” ang sabi ni Irene.